Pages

Wednesday, May 15, 2013

Comelec Buruanga: “No comment” RE: kaguluhan sa munisipyo sa pagitan ng mayoral candidates

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

“Depende na lang sa kanila.”

Ito ang sinabi ni Comelec Officer Jessie Mangilaya, kaugnay sa nangyaring kaguluhan sa munisipyo kahapon ng hapon sa Buruanga.

Sa panayam ng himpilang ito kay Mangilaya, sinabi nito na nangyari ang kaguluhan matapos niyang iproklama ang mga nanalong kandidato doon.

Nagtipon umano kasi sa plaza ang mga supporters ni Cajilig at hindi pinalabas ang mga taga board of canvassers.

Ito’y matapos nag-file ng complaint letter si mayoralty candidate Atty. Daniel Cajilig sa Comelec upang i-hold o huwag munang iproklama ang mga nanalo.

Subali’t ang siste: natapos na ni Mangilaya ang proklamasyon, kung kaya’t nagsimula ang kaguluhan.

Na-stranded din daw sila ng dalawang oras sa loob ng munisipyo, at nakalabas lamang matapos asistihan ng mga pulis at mga sundalo.

Samantala, iginiit naman ni Mangilaya na nai-proklama na nito ang mga nanalong kandidato, bago nito natanggap ang complaint letter ni Cajilig.

Kung kaya’t depende na lang sa kampo ni Cajilig sa kung ano ang magiging disposisyon nila kaugnay nito.

Kaugnay parin sa nasabing balita, bukas at patas ang himpilang ito sa mga kampo o panig na nagnanais magbigay ng kanilang pahayag.

2 comments:

  1. c kahilig dpat yung n nalo mas lamang sya kay labindao..http://www.gmanetwork.com/news/eleksyon2013/results/aklan/buruanga

    ReplyDelete
  2. http://www.gmanetwork.com/news/eleksyon2013/results/aklan/buruanga

    ReplyDelete