Pages

Thursday, May 23, 2013

Planong “guarantee deposit” para sa Hospital Bill ng mga indigent na Malaynon hindi libre --- SB

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Hindi libre ang planong “guarantee deposit” para sa hospital bill ng mga indigent na Malaynon.

Ito ang nilinaw sa katatapos lang na session ni SB member Rowen Aguirre tungkol sa panukalang pagtulong sa mga mahihirap na mga Malaynon na walang sapat na pambayad sa provincial hospital.

Sinang-ayunan naman ito ni SB member Esel Flores, sa pagsasabing kailangan pa ring bayaran ng pasyente ang perang ginamit o iginarantiya ng LGU Malay para sa kanilang hospital bill.

Ito’y upang maka-avail o makabenipisyo naman ang iba pang indigent na Malaynon.

Papaano nga naman umano kasi ang ibang Malaynon na mga nangangailangan din ng financial assistance kung hindi nila ito babayaran?

Nilinaw din ni Vice Mayor Ceceron Cawaling na ang nasabing guarantee deposit ay garantiya lamang upang makalabas mula sa provincial hospital ang mga Malaynong pasyente na ma-a-admit doon na walang sapat na pambayad.

At hindi umano ito nangangahulugan na libre na ang kanilang hospital bill.

Samantala, nasa pag-uusap pa rin ng konseho kung magkano ang magiging “guarantee deposit” para dito.

No comments:

Post a Comment