Pages

Thursday, May 23, 2013

Mga Aklanon, exempted sa pagbabayad ng terminal fee

Ni Kate Panaligan at Bert Dalida, YES FM and Easy Rock Boracay

Exempted sa pagbabayad ng terminal fee sa RoRo ang mga Aklanon.

Ito ang kinumpirma ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang sa isang panayam ng himpilang ito.

Sinabi nito na basta’t may ipapakita lamang na valid ID bilang patunay na ikaw ay residente ng Aklan o nagtatrabaho sa Boracay ay hindi ka obligadong magbayad ng terminal fee.

Kapag dalubhasa naman sa pagsasalita ng Aklanon ang mga ito ay hindi na rin nila sinisingil pa.

May mga Aklanon naman kasi na sa ibang lugar na rin nagtatrabaho at nakatira, pero sa Aklan talaga ipinanganak.

Samantala, pinayuhan naman ni Maquirang ang publiko lalo na ang mga landowners or business owner ng mga establisemyento sa Boracay na kumuha na ng terminal pass lalo na kung labas-pasok ang mga ito sa isla.

Ang terminal pass umanong ito na nagkakahalaga ng isang daang piso ay sapat na upang hindi na kailangang magbayad ng terminal fee sa buong taon.

Ang kailangan lamang umano ay ang mag-fill up ng ibibigay nilang form, mag-presinta ng barangay clearance o police clearance na nagpapatunay na ikaw ay madalas pumunta ng Boracay.

No comments:

Post a Comment