Pages

Saturday, April 27, 2013

PHO walang pang naitatalang kaso na biktima ng heatstoke sa Aklan

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Sa kabila ng sobrang init na nararanasan ngayon hindi lamang sa Boracay, kundi maging sa buong probinsiya ng Aklan at bansa, walang pang naitalang kaso ng heat stoke ang Provincial Health Office sa ngayon ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon Jr., PHO Officer.

Pero hindi umano nito masiguro na walang nabiktima ng sakit na ito sa buong probinsiya, dahil hindi pa nito hawak ang records ng iba pang hospital sa Aklan.

Subalit sa ngayon aniya, wala pa silang naitalang kaso ng sakit na ito sa Provincial Hospital.

Ganoon pa man, nagpaalala ang PHO Officer hinggil sa “6S” na inilunsad ng Department of Heath na siyang nauusong sakit din sa panahong ito.

Kung saan ito ay kinabibilangan ng mga sakit na: sore eyes, sunburn, sipon at ubo, pagsusuka at pagdudumi, sakit sa balat at sakmal ng aso.

Aniya, maiiwasan umano ang mga sakit na ito kung paiiralin ang pagiging malinis sa katawan katulad ng madalas na paghuhugas ng kamay at pagpanatili na malakas ang immune system.

Samantala, inihayag naman ng manggagamot na mayroon na silang naitalang turista sa Boracay na nagkaroon ng sore eyes kamakailan lang.

No comments:

Post a Comment