Pages

Tuesday, April 30, 2013

Pagkakaroon ng pampublikong palengke sa Boracay, nasa plano na ng LGU

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Aminado ang lokal na pamahalaan ng Malay na hindi maayos ang pagkakadispatsa ng waste water na nagmumula sa Bukid Talipapa palengke.

Sapagkat wala umanong nagbibigay ng daanan ng tubig palabas ng palengke, lalo na at pribado ang mga lupain doon ayon kay Boracay Solid Waste Management Manger at Island Administrator Glenn SacapaƱo.

Maliban dito, hindi rin umano nila magalaw-galaw para ma-aksiyunan ang problema sa lugar na nabanggit sapagkat mayroon ding isyu sa agawan ng lupa.

Ganoon pa man, kahit pribado umano ang palengke na ito ay nakahanda naman ang LGU na tugunan ang problema sa ngayon para na rin sa kapakanan ng mga nasa palibot ng palengke partikular sa kalusugan ng mga tao doon.

Inamin din ni SacapaƱo na walang binabayaran ang mga vendors dito sa LGU.

Dahil sa pribado ang palengke, kaya ganon din kahirap sa lokal na pamahalaan na paki-alaman ang problema lalo na sa regulasyon nila doon.

Subalit, tuwing makakatanggap umano sila ng sumbong kaugnay sa mga problemang dinaranas doon, kahit paano ay umaaksiyon naman sila.

Sa panayam din sa Island Administrator, inihayag nito na may balak na rin ang LGU Malay na maglagay ng pampublikong palengke sa isla para ma-regulate at matutukang mabuti ang mga problema ng vendors doon, at ganon din ng wet market sa Boracay.

No comments:

Post a Comment