Pages

Saturday, April 27, 2013

Mga kandidato sa Aklan na nagkakalat ng mga poster, inabisuhan na ng Comelec

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Aaasahang nagkakaraoon pa umano ng “Operation Baklas” ng mga poster ng pulitoko ang Comelec sa Aklan.

Ito ang inihayag ni Jetulio Esto ng Comelec Aklan, kung saan sa ngayon ay marami na umano silang kandidato sa probinsiya na napadalhan na ng sulat para sila na mismo ang bumaklas ng kanilang mga poster at campaign paraphernalia.

Sa oras umano na hindi natangal ng mga pulitikong ito ang kanilang mga campaign materials, ang Comelec na mismo umano ang magbabaklas nito kahit hindi pa tapos ang election.

Nilinaw din nito na mariing ipinagbabawal ang paglalagay ng anumang naglalakihang larawan ng kandidato sa labas ng mga paaaralan kung saan isasagawa ang botohanm at maging sa mga daanan man.

Sapagkat ang designated common poster area lamang umano na diniklara ng komisyon ay ang mga public plaza.

Kaya ang mga poster na wala doon ay maikukonsiderang iligal at dapat na tangalin.

Samantala, hindi naman pinangalanan ni Esto kung sino-sinong mga kandidato sa Aklan ang napadalhan na nila ng sulat.

No comments:

Post a Comment