Pages

Monday, April 08, 2013

MHO Malay sa Boracay nagpa-alala kontra sa heatstroke

Ni Shiela Casiano at Edzel Mainit, YES FM/Easy Rock Boracay

Bagamat wala pang naitatalang kaso ng heatstroke sa Boracay sa kasalukuyan,  pinayuhan ngayon ng Malay Heath Office o MHO ang publiko lalo na ang turista na mag-ingat kaugnay sa uso at nakakamatay na sakit na ito.

Ito ang sinabi ni MHO Boracay Nurse I Mae Bandiola sa panayam ng 93.5 Easy Rock at YES FM News Center.

Bunsod aniya ito ng nararanasang init ng panahon ngayon, gayong karamihan sa mga turistang dayuhang ito ay nagmula sa malalamig na bansa.

Payo nito, mahalaga umano ang pag-inum ng tubig o mag-water therapy sa panahong ito.

Lalo na at ang mga may edad bente anyos ay nabibiktima na rin ng sakit na ito.

Habang ang mga nasa edad apat napu pataas ay siyang dapat na mag-ingat umano sa sakit na ito dahil lubhang mapanganib para sa kanila ang sobrang init.

Mahalaga din aniya sa ngayon ang pag-gamit ng mga panangga sa init, gaya ng payong at sumbrero maging ang pag- gamit ng sun protection lotions para sa balat.

No comments:

Post a Comment