Pages

Monday, April 08, 2013

Mga pasahero, bawal sumakay sa bangkang pang-cargo! --- PCG Caticlan

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Umabot na rin umano sa tanggapan at pamunuan ng Philippine Coast Guard o PCG Caticlan ang umano pagsakay ng ilang pasahero sa bangkang pang-cargoes.

Ito ay sa kabila ng mahigpit na implementasyon ng Provincial Ordinance na “one-entry, one-exit” policy sa Boracay.


Pero ayon kay Lt. Commander Jimmy Oliver Vingno, naaksiyunan na rin nila ang sumbong na ito, at sa ginawa nilang pagberipika ay nakahuli umano sila ng ilang pasahero.

Pero ang mga ito ay may-ari aniya ng mga karga na dinadaan sa Cargo Port.

Ganoon pa man, mahigpit aniya itong ipinagbabawal alinsunod sa “one-entry, one-exit” policy, at malinaw na paglabag sa nakasaad sa Certificate of Public Conveyance o CPC na inisyu sa mga bangkang ito ng Marina.

Dahil dito kinausap at pinaalalahanan na umano ni Vingno ang mga may-ari ng bangkang pang-cargoes na huwag na itong gawin pa ulit.

No comments:

Post a Comment