Pages

Friday, April 12, 2013

Malay naglaan ng P300,000 para sa mga Malaynong nagsa-summer job


Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Umabot sa mahigit 100 Malaynon ang naka-summer job sa LGU Malay ngayong taon.

Pero matatanggap lamang ng mga estudyanteng ito ang kaniyang sahod kapag nakapag-enrol na ayon kay Malay Public Employment Service Office o PESO Officer Dennis Briones.

Sapagkat isa ito sa requirement na hihilingin ng pamahalaan na siyang makakapagpatunay na mag-aaral nga ang mga ito.

Layunin aniya ng progmang ito ng LGU at Department of Labor ay tulungang kumita ang mga estudyante upang mayroong pandagdag sa panustos sa kanilang pag-aaral.

Ngayong taon, ayon kay Briones, nakakatanggap ng tig-P277.00 bawat araw ang isang estudyante na nagtatrabaho sa loob ng dalampung araw na sinumulan noong ika-25 ng Marso at magtatapos naman sa ika-24 ang Abril ng taong ito.

Naglaan naman umano ang Malay ng P300,000.00 para sa sahod ng mga estudyanteng ito at ang iba ay magmumula din sa DOLE.

Ang mga estudyanteng  ito ay na-distribute ngayon sa iba’t ibang departemento ng LGU sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment