Pages

Friday, April 12, 2013

LGU Malay may mas mataas na responsibilidad sa Boracay kaysa sa DoT


Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

LGU Malay ang dapat na sasagot at aaksiyon sa mga reklamo at tanong may kaugnayan sa Boracay.

Ito ay dahil ang lokal na pamahalaan ng bayang ito ang may mas mataas na responsibilidad at siyang nagdedisiyon pagdating sa Boracay kaysa sa DoT.

Sapagkat ang papel umano sa ngayon ng Department of Tourism o DoT sa Boracay kahit na sabihing Tourism Zone ang isla ay ang pagbibigay ng accreditations sa mga establishemento , gayon din pag-market at promosyon ng Boracay sa mga turista.

Dahil ayon kay Boracay DOT Officer In-charge Tim Ticar, ipinasa na sa LGU ang karapatan sa pamamahala sa islang ito di tulad ng dati kaya sila parin ang may “last say” kaysa sa DoT.

Pero sa ngayon umano ay may panukalang batas na kaugnay dito na nakasaad sa Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009 na madadagdagan na ang kapangyarihan ng DoT sa mga lugar gaya ng Boracay kapag naipatupad na.

Ganon paman ang DoT umano ay tumatanggap naman ng mga reklamo, subalit ang mga problema umano sa Boracay ay dapat idulog sa LGU.

Maliban dito, sa ibang problema naman gaya ng reklamo sa  umano ay “mahal na presyo” ng mga bilihin ay pwede umanong ipa-abot sa Department of Trade and Industry o DTI.

Sa DILG naman kaugnay sa suliranin sa pamamahala at iba pa, DENR naman kung sa kapaligiran at sa iba pang departamento ng pamahalaan depende sa tanong o reklamo.

Paliwanag kasi ni Ticar, may kaniya-kaniyang trabaho din sila at hindi kakayanin ng DoT na sila lang ang tutugon dito.

Ang pahayag ni Ticar ay sagot sa madalas na tanong ng mga indibidwal at iba’t ibang sector sa isla kaugnay sa tambak na problema na nararanasan sa sikat na islang ito.

No comments:

Post a Comment