Pages

Wednesday, April 24, 2013

KKK Drive, inilunsad ng Simbahang Katolika

Ni Kate Panaligan, YES FM/Easy Rock Boracay

Inilunsad na ng Simbahang Katolika ang KKK o “Kilatisin ang Karapat-dapat na Kandidato” Drive.

Ito’y para matulungan ang mga tao sa pagpili ng mabuting kandito sa nalalapit na May 13, 2013 elections.

Ayon sa report, magpapalabas ang simbahan ng video presentation pagkatapos ng misa tuwing Linggo kaugnay sa tamang pagpili ng kandidato.

Samantala, sa panayam ng himpilang ito kay Father Arnold Crisostomo ng Boracay Holy Rosary Parish Church, sinabi nitong wala pa siyang ideya tungkol dito.

Ang naturang hakbang ay makakabuti rin umano sa pagbibigay ng guidelines sa pagpili ng kandidato.

Dagdag pa ni Crisostomo, kahit hindi pa umano inilunsad ang KKK drive ay nagbabahagi na siya ng guidelines sa mga nagsisimba dito.

Dapat din umanong  pumili ng kandidatong may magandang pangarap sa kanyang pinamumunuan.

No comments:

Post a Comment