Pages

Tuesday, April 23, 2013

“Absentee voting” sa Aklan, pina-plantsa pa lang

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Apat na araw simula ngayon ay itinakda ang absentee voting, pero, hindi pa alam ng Comelec Aklan kung saan ang venue para doon makapagbuto ang nag-apply para dito.

Sapagkat ayon kay Atty. Robert Salazar, Comelec Supervisor ng probinsiya, hindi pa nagbibigay ng abiso kung saan talaga ang magiging venue ng absentee voting.

Gayong nasa mga pinuno na umano ng ahensiya at departamento ng pamahalaan na pinahintulutan ng Comelec ang paghahanap ng lugar kung saan nila gagawin ito.

Kaya sila sa kumisyon ay naghihintay pa ng pa-abiso mula sa mga ito upang maagang maka-boto ang kanilang mga tauhan.

Aniya, ang pinuno ng kapulisan at Philippine Army sa Aklan ang siyang magdedesiyon kung saan nila ito gagawin.

Ang absentee voting ay ikinasa ng Comelec para mabigyan ng pagkakataon na maka-boto ang mga abalang empleyado ng gobyerno sa darating na halalan, gaya ng pulis, army at maging mga Pinoy sa labas ng bansa.

Paglilinaw pa ni Salazar, mga nasa nasyonal level lamang ang pwedeng iboto sa absentee voting na ito sa darating na ika-28 hanggang 30 ng April.

No comments:

Post a Comment