Pages

Thursday, April 25, 2013

Kabataang botante, magdadala ng pagbabagong pulitikal --- COMELEC Aklan

Ni Shelah Casiano at Alan Palma Sr., YES FM/Easy Rock Boracay

“Kabataan ang pag-asa ng ating bayan”.

Kasabihan ni Jose Rizal na kung saan dito inilarawan ni Kalibo Acting Comelec Chairman Getulio M. Esto ang magiging panindigan ng mga kabataang botante sa sitemang pulitikal lalo na sa nalalpit na halalan.

Bagamat wala pa silang hawak na datos sa kasalukuyan kung ilan ang magmumula sa mga botanteng may edad 18-25, subalit ikinukonsidera niya na malaking bagay pa rin ito.

Dagdag pa nito na mas malawak at may paninindigan ang mga kabataang botante na mas naghahangad ng reporma , taliwas sa tradisyonal at maruming  pulitikang nakagisnan ng lahat.

Ang komisyon anya ay humihimok sa mga kabataan na magparehistro at makilahok  sa halalan na naayon din sa Article 5 ng Philippine Constitution na kung saan nakasaad ang karapatanng pumili at bumoto.

Ang hakbangin na ito ayon kay Esto ay magdudulot ng malaking pagbabago sa sitemang pulitikal na matagal ng inaasam ng bawat Pilipino.

No comments:

Post a Comment