Pages

Saturday, March 09, 2013

Stakeholders may malaking papel sa pagkakakilala sa Boracay bilang “2013 BEST BEACH in Asia”

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Collective effort” umano ng lahat ng sector sa  Boracay kung bakit muling kinilala ang islang ito bilang “2013 Traveler's Choice Best Beach in Asia”.

Kung saan malaki umano ang naging papel at naitulong dito sa paraan ng kooperasyon ng mga stakeholders at mga pribadong sector upang mapanatili ang yaman na mayroon ang Boracay, ayon kay Malay Administrator Godofredo Sadiasa.

Hindi naman aniya nila tinuturing na “pressure” sa bahagi ng LGU Malay ang pamamayagpag ngayon ng isla lalo na nang makuha nito ang titulong “2012 Best Beach in the World”.

Sa halip aniya ay kinokunsidera nila ito bilang “challenge” o hamon upang mapanatili ang titulo na tinatamsa ngayon ng Boracay.

Naging inspirasyon din umano nila ito upang pagbuhihan ang lahat para sa islang ito.

Kung maaalala una ng hinayag ng Department of Tourism na naging “2013 Traveler's Choice best beach in Asia” ng online travel guide na TripAdvisor.

Ito ay dahil sa malapulburon na buhangin at mala-kristal na tubig sa baybayin ng Boracay.

No comments:

Post a Comment