Pages

Saturday, March 09, 2013

Kontraktor ng Municipal Land Fill ng Malay hindi pa nababayaran

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kawawa naman ang kontraktor ng Municipal Land Fill ng Malay kapag hindi nabayaran, gayong may kapital na silang nailabas dito.”

Ito ang inihayag ni Engr. Arnold Solano, Special Project Officer ng Malay, kaugnay sa balak na pangu-ngutang ng LGU para pambayad sa balanse ng bayan sa kontraktor.

Ayon kay Solano, bagamat naka-loan na dati ang LGU, pero hindi umano sapat ang nauna ng na grant kaya muli ay bibigyan ng Sangguniang Bayan ng Malay ng awtorisasyon si Mayor John Yap na makipagnegosasyon para sa panibagong loan na mahigit P25-milyon.

Ayon kay Solano, ang Proyektong Land Fill ng Malay ay nagkakahalaga ng tatlumput walong milyong piso, pero ang nautang lang nila dati at mahigit labin limang milyong piso lamang.

Nilinaw din nito na sa ngayon ay maayos namang nagagamit ang Land fill, makaraang nitong nagdaang taon ng 2012 ay sinasabing hindi kinayang imbakan ng mga residual na basura mula sa Boracay. 

No comments:

Post a Comment