Pages

Friday, March 22, 2013

“No Permit to Party” ng munisipyo sa Biyernes Santo sa Boracay, pinasalamatan ng Simbahang Katoliko

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Nagpasalamat ngayon ang Simbahang Katoliko sa Boracay kaugnay sa “No Permit To Party” sa darating na Biyernes Santo sa isla.

Sa panayam ng himpilang ito kay Holy Rosary Parish Boracay team ministry mediator Fr. Nonoy Crisostomo, sinabi nitong dapat ngang maramdaman ng lahat pati na ng mga turista sa isla ang tunay na diwa ng Semana Santa at Biyernes Santo, na siyang araw ng pagmumuni-muni.

Kaya naman nagpapasalamat umano ito dahil ang lokal na pamahalaan ng Malay ay patuloy na tumutulong upang maging tahimik ang pagdiriwang ng Semana Santa.

Matatandaang nitong araw ng Martes ay nagpadala ng sulat ang munisipyo sa lahat ng mga establisemyento sa isla na hindi sila magbibigay ng permit para sa mga party o event na maiingay at malalakas na tugtugan.

Nabatid na istriktong ipapatupad at babantayan ng munisipyo ang katahimikan, mula alas sais ng umaga ng Biyernes Santo, hanggang alas sais ng umaga ng Sabado de Gloria.

No comments:

Post a Comment