Pages

Thursday, March 21, 2013

Malay at Boracay PNP, tiniyak na ang seguridad ng publiko sa darating na Semana Santa


Tiniyak ngayon ng Malay PNP ang seguridad ng publiko lalo na ang mga turista at bakasyonistang dadagsa sa darating na Semana Santa.

Sa panayam ng himpilang ito kay Malay PNP Chief PSInspector Reynante Jomocan, sinabi nito na may mga security plan na sila para sa Caticlan port, lalo na ngayong bakasyon.

Hindi umano kasi dapat na isawalang bahala ang bagay na ito, kahit sabihin pang tahimik na lugar ang bayan ng Malay.

Kampante ding sinabi ni Jomocan na kahit malabo pang mapagbigyan ni Police Provincial Director Escarilla ang hinihingi nilang dagdag na mga pulis.

Mapapalawak parin umano ng mga ito ang kanilang puwersa sa tulong mismo ng barangay Caticlan, LGU Malay, at iba pang mga force multiplyers.

Nakatakda na rin umano silang magkaroon ng mga public assistance center sa mga matataong lugar katulad ng mga bus terminal.

Samantala, maliban umano sa puwersa ng Philippine Coastguard, Navy at mga force multiplyers sa isla, police visibility naman ang tiniyak ni Boracay PNP Chief PSInspector Joeffer Cabural, para sa mga turista sa Boracay.

Gagawin din umano nito ang lahat para sa kaligtasan ng publiko para sa Semana Santa.(

No comments:

Post a Comment