Pages

Thursday, March 21, 2013

Bagong Malay PNP Chief, mainit na tinanggap ng SB Malay

Ni Peach Ledesma, YES FM Boracay

Mainit na tinanggap ng Sangguniang Bayan ng Malay ang bagong Malay PNP chief sa katauhan ni PSInsp. Renante R. Jomocan.

Sa ginawang courtesy call ni Jomocan sa SB Malay ay agad siyang winelcome ng mga miyembro ng Sanggunian.

Nagbigay din ng konting impormasyon ang SB sa bagong hepe ng Malay PNP na makakatulong sa kanyang pamamalagi dito.

Ilan sa mga napag-usapan sa paghaharap nina Jomocan at ng SB ay ang pagpapatupad ng “one-entry-one-exit” policy sa Boracay at mga bagay na may kinalaman sa nalalapit na 2013 Midterm Elections.

Kasabay ng kanyang pangakong ibibigay din ang serbisyong ibinigay ni dating Malay PNP chief P/Insp. Mark Cordero, hiningi din ni Jomocan ang kooperasyon at tulong ng SB Malay dahil hindi din naman umano nila makakaya na wala ang tulong ng lokal na pamahalaan.

Bilang kapalit ay nangako din naman ang Sanggunian na hindi magbabago ang suporta nila sa pulisya lalo na sa kanilang mga programa lalo na sa pangangalaga ng kaayusan ng kanilang nasasakupan.

Si PSInsp. Jomocan ang uupo bilang officer-in-charge sa Malay PNP kapalit ni P/Insp. Cordero na inilipat ng assignment dahil sa mga hindi pa malamang kadahilanan.

Ang nasabing pagpapalit ng hepe ay may kaugnayan pa rin sa eleksyon sa darating na Mayo.

No comments:

Post a Comment