Pages

Tuesday, March 05, 2013

“Aging” para sa mga lumang tricycle sa Boracay, final na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mayroong hanggang anim na buwan lamang ang mga lumang tricycle sa Boracay kapag pumasok na ang mga e-trike sa isla.

Ito ang final na napagkasunduan ng e-trike adhoc committee, kaugnay sa mga lumang unit sa Boracay lalo na ang hindi pasok sa “aging policy” na ginawa ng LGU Malay.

Kung saan ang lahat ng motor tricycle na nabili bago ang taong 2008 ay pahihintulutan pang ipasada, pero limitado lamang umano at hanggang anim na buwan ang itatagal sa isla.

Napag-alaman ito mula kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, na mayroong mahigit 100 unit ng tricycle sa isla ang hindi na umabot sa “aging” na ito batay sa record ng LGU.

Agad din umanong ipapatapon sa mainland ang mga lumang unit at isusubasta ng financer o dealer ng tricycle depende sa halaga ng unit para mapakinabangan pa ng operator.

Samantala, gayong sa ngayon ay pino-proseso na ang pagdating at pagpasok ng e-trike sa Boracay, aasahang baka buwan umano ng Hunyo ay pwede nang umpisahan ang implementasyon nito sa isla.

No comments:

Post a Comment