Pages

Saturday, January 12, 2013

Ati-atihan sa Boracay, gagawing maka-Kalikasan


Maka-kalikasang pagdiriwang ng Ati-atihan ang Borcay ang isinusulong ngayon ng Parokya sa Boracay.

Kung saan, kasabay ng kasiyahang gagawin bilang papuri kay Sr. Sto. NiƱo ay ang masigurong hindi rin magdadala ng basura sa front beach ng isla ang gaganaping Merry Making o sadsad bukas.

Dahil dito, inabisuhan na ayon kay Rev. Fr. Arnold Crisostomo, Leader-Mediator ng Team Ministry at In-Charge sa Parokya sa Boracay ang mga Tribong lalahok sa debosyunal na pagtitipon na ito, na huwag kumalat o mag-iwan ng basura sa gitna ng kasiyahan.

Dahil dito, aasahan na umano na magkakaroon o magdadala ng kani-kanilang basurahan ang bawat tribu.

At ang bagay na ito ayon sa pari ay napag-usapan na rin nila, alin sunod na rin sa ipinapatupad ng ordinansa sa isla kaugnay sa mahuhuling nagkakalat ng basura.

Gayong sa selebrasyon umanong ito, hindi lamang ang mga taga-Parokya ang nagtutulungan, kundi pati mga awtoridad gaya ng Pulis, MAP at iba pang tagapagpatupad ng batas ay katuwang din nila lalo na sa pagbabantay at pagsiguro sa kaligtasan ng lahat. #ecm012013

No comments:

Post a Comment