Batay sa rekord ng pulisya sa isla, sa buong araw na
operasyon nila noong Linggo para sa seguridad ng lahat ng mga naki-isa sa
taunang selebrasyon ay walang anumang naintalang kaso na may kinalaman sa
pagdiriwang ng Ati-atihan sa Boracay.
Gaya na lamang ng una nang hiniling o panalangin ni Rev. Fr.
Arnold Crisostomo ng parokya ng Holy Rosary Parish Church, na sana ang
kalasingan o pag-inom ng alak sa kasagsagan ng pagsasadsad ay hindi makapagdala
ng gulo.
Maliban dito, nakamit din ang target ng simbahan na maging
“environment friendly” ang mga makikiisa sa selebrasyon dahil ang mga deboto ng
Sr. Sto. NiƱo hanggang sa matapos ang prosisyon sa hapon ay hindi nag-iwan ng
basura sa white beach.
Samantala, hindi naman naiwasan talaga ng ilang mga deboto
na magbitbit ng boteng may lamang nakakalasing na inumim sa gitna ng pagdirawang,
taliwas sa nais sanang mangyari ng mga Kaparian sa Boracay.
Sa kabuuan naman, labis na kasiyahan ang naramdaman ng mga
deboto sa isinagawang sadsad o merry making.
Pero kung ang mga deboto ay natutuwa, inip naman ang nadama
ng ibang pasahero at mga tricycle driver at ilang pang mga motorista sa isla
dahil sa bukod sa naiipit ang mga ito sa trapik ay naparalisa pa ang kanilang mga
biyahe. #ecm012013
No comments:
Post a Comment