Pages

Wednesday, December 19, 2012

Proper segregation ng basura sa Boracay, problema pa rin


“May mga pasaway pa rin talaga.”

Kaya hindi rin naiwasan ni Island Administrator at Solid Waste Manager Glenn SacapaƱo na pasaringan ang ibang indibidwal na patuloy pa ring hindi sinusunod ang tamang paghihiway sa tinatapong basura na iniiwan sa mga tabing kalsada para sa koleksiyon.

Aniya, mayroon pa ring pasaway dahil sa hindi sinusunod ang “proper segregation” sa kabila ng kampaniya ng LGU Malay kaugnay dito, kaya may mga basura pa rin gaya ng mga tira-tirang pagkain na naka-kalat sa daan lalo na at hindi umano tama ang pagkakatapon ng mga ito.

Ito ang sagot ng Solid Waste Manager, sa tanong dito kung bakit bumabaho ang kalsada na pangit naman para sa mga nagdi-jogging na turista maging ng mga lokal at residente tuwing umaga.

Kung saan ito ay dala ng mga katas ng mga tira-tirang pagkain na iniiwan lang sa tabing daan para sa koleksiyon sana, pero natatapon lang din doon bago mahakot.

Naniniwala naman si SacapaƱo na sa tulong at pakikiisa ng lahat hindi lamang ng mga residente kundi maging ang mga turista sa isla ay nasasawalata ang problemang ito sa Boracay. #ecm122012

No comments:

Post a Comment