Pages

Wednesday, December 19, 2012

Problema sa basura, tututukan na sa 2013


Sinisikap umano ngayon ng Material Recovery Facilities o MRF na matugunan ang problema sa basura sa Boracay.

Katunayan, ayon kay Island Administrator Glenn SacapaƱo at kasalukuyan Solid Waste Management Manager, nagdagdag na rin sila ng mga iskedyul sa hating gabi para sa pangungulekta ng basura, para hindi na abutan pa ng pagsikat ng araw na nakatambak pa rin sa tabing daan ang mga basurang ito.

Ayon kay SacapaƱo, alas-12 pa lang ng madaling araw ay may mga area ng naka-iskedyul para sa koleksiyon at sinisimulan na rin pag-iikot ng mga garbage truck sa oras na alas-4 ng umaga.

Pero may mga pagkakataon pa rin ayon dito na hindi talaga maiiwasan na ang ibang basura sa tabing daan ay inaabot pa ng alas siyete, dahil sa dami ng mga ito.

Ganoon paman, ginagawa naman umano nila ang lahat, sa pangamba na kapag hinayaan lang ang mga basurang ito, baka ito pa ang sisira sa Boracay.

Aminado din ito na mahirap talaga ang trabaho nila ngayon, lalo na at hindi bumabawas ang tao sa Boracay, kundi lalo pang dumarami.

Itinuturo nito sa biglaang paglaki ng populasyon at pagdami ng turista sa isla ang suliranin sa basura, gayong 2017 pa umano inaasahang maaabot ang isang milyong turista, pero ngayong 2012 pa lang ay nalampasan na ang target na ito.

Dahil dito, inihayag ng nasabing opisyal na sa susunod na taon ng 2013 ay tututukan na nila ang problema ukol dito.

Kaya pipilitin nilang mahabol ang koleksiyon ng basura batay na rin sa pagdagsa ng tao dito ang pagtugon sa problema sa basura.

Nabatid na bawat araw ay umaabot ng 18 truck ng basura ang nahahakot ng mga collector. #ecm122012

No comments:

Post a Comment