Pages

Wednesday, November 28, 2012

Walang establishemento na exempted sa pagbibigay ng resibo --- BIR

Kahit simpleng establishimiyento ng ukay-ukay ay hindi exempted sa pagbibigay ng resibo sa mga mamimili.

Ito ang nilinaw ni Revenue District Officer Ricardo Osorio, ng Bureau of Internal Revenue o BIR Aklan, kasunod nang pagdagsa ng mga mamimili lalo na ngayong magpa-Pasko na.

Kaya hinihikayat pa rin nito ang mga establishemento na mag-issue ng resibo at official receipt sa mga may binili na hindi bababa sa P100.00.

Kaya pinapaigting parin umano nila ang kumpaniya kaugnay sa pagbibigay ng resibo sa bawat customer na bumibili sa mga establishimiyento para malaman at mabilang ang aktuwal na buwis na dapat kukolektahin ng BIR.

Inihayag din nito na mahalaga umano ngayon sa BIR na maibalik ang tiwala ng mga taxpayer sa kawani.

Ipinagmalaki din nito na naging maganda na ang relasyon ng BIR at mga negosyanteng dayuhan dito sa isla ng Boracay pagdating sa pagbabayad ng buwis. dahil sa madalas umanong pagpupulong na ginagawa ng BIR sa mga bookkeeper at accountant ng mga negosyanteng ito sa isla.

Kung maaalala, taon ng 2011 ay ilang establishemento sa Boracay ang nakandalo ng BIR dahil sa huli sa pagbabayad ng buwis at hindi agad naayos ang ilang dokumento, sapagkat mga dayuhan ang karamihan sa may-ari. #ecm112012

No comments:

Post a Comment