Pages

Wednesday, November 28, 2012

Garbage Fee at Business Tax, rason ng pagtaas ng koleksiyon ng LGU Malay

Garbage Fee at Business Tax.

Ang dalawang nabanggit ang may pangunahing kontribusyon sa koleksiyon ng lokal na pamahalaan ng Malay kaya naabot ang P305 milyon na pondo para sa buong taon ng 2013 mula sa kasalukuyang taon ng 2012 na mahigit P280 million.

Ito ang nabatid mula sa Municipal Treasurers Office kay Municipal Treasurer Dediosa Dioso sa isang eksklusibong panayam.

Aniya, ang bayad ng mga stakeholder at residente sa Boracay sa garbage fee at buwis mula sa mga negosyo ang mga pangunahing contributor sa lumaking koleksiyon ng LGU Malay.

Aminado din si Dioso na malaki din ang naitulong ng mahigpit na implemantasyon ng mga ordinansa sa Boracay, sapagkat malaki rin ang nakoleksiyong naipasok sa cavan ng ng bayan mula sa mga fines at penalty.

Samantala, ipinaliwanag din nito na ang 75% ng koleksiyon mula sa Environmental Fee sa Caticlan at Cagban Jetty ay napupunta sa gastusin ng Solid Waste Management, habang ang natitirang 25% ay para naman sa Programa ng Municipal Tourism at Environment.

Kung maaalala, ang pamahalaang probinsiya ng Aklan at LGU Malay at naghahati sa koleksiyon mula sa Environmental Fee, kung saan 15% ang napupunta sa probinsiya at 85% sa LGU Malay. #ecm112012

No comments:

Post a Comment