Pages

Friday, November 16, 2012

Taripa sa mga sea sport activities sa Boracay, kailangan na

Pagkakaroon ng taripa, sa bawat sea sports activities sa Boracay.

Ito ang inaasahang magiging sagot sa mga panlolokong ginagawa ng ilang komisyuner sa front beach.

Bagay na isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay, bilang tugon sa mga reklamong natatanggap nila kaugnay sa umano ay mahal na paniningil sa mga turista ng mga nag-aalok na ito ng iba’t ibang sea sports activities sa Boracay.

Ayon kay Island Administrator Glenn SacapaƱo, pagkakaroon ng taripa sa bawat aktibidad ang hamon nila ngayon sa mga establishementong nagmamay-ari ng sea sports.

Aniya, kadalasan na nangyayari ay ipapakita lamang ng mga komisyuner ang card nila na naglalaman ng mga aktibidad at sila na ang nagpi-presyo sa mga turista.

Kaya karamihan umano sa mga inirereklamo ng mga dayuhang ito, ay sobrang mahal at over charging ang paniningil nila.

Dagdagan pa  aniya na minsan ay makaraang makuha ang bayad sa mga nakontrata nila, hindi na nagpapakita pa sa turista para sa kanilang serbisyo na binayaran na.

Aniya, ang ganitong gawain ay napaka-pangit para sa Boracay, sa kabila umano ng kampaniyang ginagawa ng pamahalaan para sa promosyon ng Boracay. #ecm112012

No comments:

Post a Comment