Pages

Friday, November 16, 2012

Pag-uusap ng legislative at executive body, kailangan sa paglinis ng vegetation area sa Boracay

Masinsinang pag-uusap parin umano ang sagot sa problemang nakikita ngayon sa vegetation sa Boracay.

Ito ang sagot ni Island Administrator Glenn SacapaƱo sa panayam dito, hinggil sa komento ng Sangguniang Bayan ng Malay kamakailan.

Kaugnay ito sa di umano’y tila kulang na implementasyon sa mga ordinansa sa isla para malinis na ang vegetation area.

Partikular na tinukoy dito ng SB ang mga tent at iba pang illegal structure sa vegetation area ng front beach na matagal na umanong problema pero hindi parin natatanggal sa kabila umano ng mga ordinansang mayroon sa isla.

Bilang sagot ng Island Administrator sa katulad na problema, sinabi nitong mahalaga umanong magkaroon muna ng pag-uusap ang legislative body at executive pagdating sa mahigpit na implementasyon kaugnay dito, at upang magkaroon ng iisang katayuan o desisyon.

Sapagka’t ang nangyayari umano, ayon kay SacapaƱo, sila ang madalas na nababanatan at nakakasuhan kapag nagpatupad na ng mga nasabing orinansa, dagdag pa na wala umanong linaw kung anong supurta ang ipapaabot ng LGU sa kanila.

Aminado din ito na naririyan ang mga batas at ordinansa na anumang oras ay pwede naman nilang ipatupad, pero hindi naman aniya ganon kadali ang lahat.

Ganoon pa man, nilinaw nitong bago matapos ang 2012 ay pipilitin nilang maayos ang lahat, para pagsapit ng 2013 ay mabawasan na rin ang mga problemang ito kasama na ang suliranin hinggil sa mga pagala-galang mga vendor sa front beach. #ecm112012

No comments:

Post a Comment