Pages

Thursday, November 01, 2012

Pagpa-party sa gitna ng pagdiriwang ng Undas, hindi masama --- Simbahang Katoliko ng Boracay

Hindi naman masama ang pagsasaya at pagpaparty habang ipinagdiriwang ang Undas.

Ito ang sinabi ni Fr. Arnaldo Crisostomo ng Our Lady of the Holy Rosary Parish Boracay, kaugnay sa obserbasyon na marami pa rin ang nagpaparty sa isla, kahit na panahon ng Undas, kung saan ginugunita at pinahahalagahan ang araw ng mga santo at kaluluwa ng mga namayapa.

Aniya, OK lang na magsaya lalo na kung ang dahilan ay ang pag-alala sa mga mahal sa buhay na namayapa na.

Ngunit kung ang pagsasaya ay mauuwi lamang sa gulo, mas mabuting itama at baguhin na ito.

Ang importante umano sa pag-gunita sa Undas, lalo na sa Araw ng mga Patay, ay ang pananalangin para sa mga sumakabilang buhay na para sa ikatatahimik at sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.

Kasabay nito, nanawagan din si Fr. Crisostomo na sana ay panatilihin ang kapayapaan sa pagpunta sa mga sementeryo at sa pagdiriwang ng araw na ito.

No comments:

Post a Comment