Pages

Thursday, November 01, 2012

Pagkakaroon ng crematory, tanggap ng Simbahang Katoliko sa Boracay sa ilang kondisyon

“Accepted” na ng kumunidad ang crematorium o crematory.

Kaya naman ayon kay Fr. Arnaldo Crisostomo ng Our Lady of the Holy Rosary Parish Church Boracay, ay tanggap na din ito ng Simbahang Katoliko sa isla, sa kadahilanang  marami na rin naman ang nagpa-practice ng ganitong gawain.

Ngunit sinabi nito na kailangan ng ilan pang kondisyones, lalo na’t tourist destination din ang isla ng Boracay.

Kailangan umanong magkaroon muna dapat ng plano tulad ng kung saan ilalagay ang crematorium, kung paano ita-transport ang mga katawan, at kung magiging ligtas ba ito sa kalusugan ng mga mamamayan.

Sa ganitong pagpapaliwanag ay muling inihayag ni Fr. Nonoy Crisostomo na “no problem” kung magkakaroon ng crematorium ang Malay.

Matatandaang ang pagkakaroon ng crematorium dito ay nabuksan noong nagdaang SB session, na nakikinita namang solusyon ng konseho sa napupuno nang mga sementeryo dito sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment