Pages

Friday, November 09, 2012

Legislative Body ng Malay, hindi na nagustuhan ang sitwasyon ng front beach ngayon


Tila naiinis na ang legislative body ng lokal na pamahalaan ng Malay sa sitwasyon ng front beach sa ngayon.
Sapagkat sa dami umano ng batas na naipasa nila sa Sangguniang Bayan para i-regualate ang mga sagabal sa mga turista doon.

Mistulang wala naman halos nangyayari dahil sa hindi naman naipapatupad ng maaayos.

Unang pinuna ng mga konsehal ang hindi parin pagtanggal sa mga tent sa vegetation area, na araw at gabi ay naririyan.

Kung saan ayon kay Vice Mayor Ceceron Cawaling, hinahayaan din ng mga resort owner na siraiin ang view nila.

Dahil may mga naglatag ng kung anong paninda, pwesto na may mga mesa at bangko sa dampa nila ngunit pinapayagan pa kahit pangit di umano sa mata ng mga turista.

Dagdag pa ng Bise Alkalde, dapat ay mga puno ng niyog lamang ang makikita sa beach line lalo na kung araw, upang walang sagabal.

Naniniwala naman si SB Member Rowen Agguire na kapag walang nagto-tolerate at seryusong ipinapatupad ang ordinansa na ipagbawal ang mga illegal sa front beach, ay tatalima ang lahat ng establishsmento sa kung ano ang laman ng ordinansa.

Maging si SB Member Jupiter Gallenero at Jonathan Cabrera ay nagkainitan na kung sino ang dapat maging responsible sa implementasyon, gayong paulit-ulit nalang umanong tinalakay ito sa sesyon pero walang nangyayari.

Bunsod nito, pumagitna at pinawi ni SB Member Essel Flores ang mainit na argumento at bulontaryong nag-alok ng tulong na siya na lamang ang kakausap kay Mayor John Yap.

Ito ay para matutukan na ang problema at sitwasyon sa mga illegal na straktura, at kung ano pang sagabal sa front beach.

Ipinunto kasi ng mga konsehal nitong umaga sa sisyon, na kung bakit ganito na lamang, gayong madalas nilang ipinapaabot ang problemang ito noon pa, pero wala paring aksiyon at paulit-ulit lang.

Sa panig kasi ng legislative body, lahat ng pwede nilang gawing batas upang maging maaayos at kanais-nais ang lugar na ito sa mga turista ay nagawa na umano nila, pero kulang parin sa implementasyon.

No comments:

Post a Comment