Pages

Friday, November 09, 2012

Kumunidad ng mga Ati sa sitio Tulubhan, Manoc-manoc, Binalot na naman ng tensyon


Binalot na naman ng tensyon ang kumunidad ng mga Ati sa sitio Tulubhan, Manoc-maonc, Boracay nitong nagdaang Linggo ng gabi.

Ito ang impormasyong natanggap ng Yes FM 911 Boracay, mula sa mga taga Ati community, makaraang umano’y ipatanggal ng isang nagngangalang Teddy Jimenez ang mga kawayang bakod na itinayo nila doon.

Sa mismong gabing iyon ay naabutan naman ng Yes Fm News Team ang mga nasabing katutubo, na nagro-rosaryo doon, kasama si father Arnold “Nonoy”Crisostomo, ang tumatayong mediator sa team ministry ng Holy Rosary Parish sa isla.

Sa pakikipag-usap ng himpilang ito kay father Nonoy, ay kinumpirma nito ang nasabing insidente.

Nagsimula umano ang lahat, nang binakuran ng mga Ati ang ilang bahagi ng lupang ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno sa sitio Tulubhan.

Nagmatyag pa umano sila, Linggo ng hapong iyon, kung may sisita sa kanila, subali’t nang mapansing wala naman ay ipinagpatuloy nila ang kanilang pagbabakod.

Mag-aalas sais umano ng gabi ding iyon ay dalawang beses na pumunta doon ang nasabing Mr. Jimenez.
Nang bumalik umano ito ay kasama na niya ang ilang mga kalalakihang may mga dalang armas.

Ikinagulat na lamang umano ng mga katutubo nang gibain na ng mga kasama ni Jimenez ang inilagay nilang bakod.

Samantala, nang makapanayam naman ng himpilang ito si Dexter Condez, isa ring katutubong Ati at tumatayong tagapagsalita ng nasabing kumunidad.

Sinabi nitong ang mga dumating na kalalakihan ay pawang mga security ng Crown Regency na pinagmamay-ari naman ni Richard King.

Kaagad naman umanong ipina-blotter nina Dexter sa estasyon ng pulis ang nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment