Pages

Friday, November 09, 2012

Dahil sa nalalapit na kapaskuhan, mga bakasyunista sa Boracay, dumarami pa

Apatnapu’t anim na araw pa bago dumating ang Kapaskuhan, ngunit kapansin-pansin na ang pagdami ng tao sa isla ng Boracay na halos kinabibilangan ng mga turista.

Kung saan maging ang mga pangunahing kalsada sa isla ay nagsisikip na rin ang daloy ng trapiko.

Bukod pa sa dinadayo na rin ng mga turista ang ilang mga pasyalan sa Boracay, agaw-pansin din ang ilang mga tindahan na may kaniya-kaniya nang istilo sa pagtitinda ng mga Christmas decorations at marami pang iba na may kinalaman sa kapaskuhan.

Kaugnay nito, todo-higpit naman ngayon ang siguridad na ipinapatupad ng isla kung saan makikita ang mga miyembro ng Malay Auxiliary Police o MAP at Boracay Tourist Assistance Center o BTAC na kaniya-kaniyang pagbabantay ng kanilang teritoryo lalo na sa pagpapatupad ng mga traffic rules.

Mapapansin na sa bawat istasyon at sa mga kalsada ay naririyan ang kanilang presensya upang bigyang gabay ang mga pasahero at mga driver na maging maayos at hindi maipit sa gitgitan ng trapiko.

Sa mga susunod na araw ay aasahan pang mas hahaba ang daloy ng trapiko sa mga kalsada at dadami pa ang mga bakasyunita sa isla, lalo pa’t ramdam na ang pagsapit ng araw ng kapaskuhan.

Ang isla ng Boracay ay isa sa mga sikat na tourist destination na dinadayo ng mga turista tuwing kapaskuhan.

No comments:

Post a Comment