Pages

Friday, November 09, 2012

Dalawang Aklanon swimmer, wagi sa Malaysia

Dalawa sa labindalawang Aklanong atletang swimmer na ipinadala sa Malaysia ng Pilipinas ang nag-uwi ng silver medal.

Hindi nagpahuli ang mga atletang ito sa isinagawang Youth Swimming Competition na “Trick or Treat” sa Kuala Lumpur, nitong ika-26 hanggang ika-29 ng Oktubre.

Ang 12 na manlalangoy na ipinadala ng Pilipinas ay pawang mga Aklanon na siyang naging pambato ng bansa.

Karamihan sa mga ito ay nagmula sa bayan ng Malinao, kung saan tatlo dito ay anak ni Aklan Board Member Selwyn Ibarreta.

Suportado naman ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Aquatic Sports Association (PASA) ang pagtungo ng mga manlalaro na ito sa Malaysia.

Nasungkit ni Miguel Ricardo Dagandan ang unang medal sa 100-meter breaststroke at ribbon bilang heat winner sa 100-meter freestyle.

Nagpakitang gilas din Selwyn Amiel Ibarreta, na nakapagbulsa ng isang silver na medalya matapos makuha ang ikalawang pwesto sa 50-meter butterfly at ribbons bilang heat winner din sa 50m freestyle and 50-meter backstroke.

Samantala, si Ada Beatriz Ortega ay tumanggap  naman ng award sa event na 100-meter freestyle, habang si Samantha Evette Ibarreta ay nag-uwi din ng award sa 200-meter individual medley.

Walo pang Aklanong manlalangoy ang kasama sa kompetisyon at ito ay sina Elijohn Andre Equina, Adrian Colin Hilario, Kyle Medrano, Eleni Angeli Debuque, Isabella Selyn Ibarreta, Krisette Hart Ezpeleta, Eva Marie Sazon at Rachelle Ann Lorisse Respicio.

No comments:

Post a Comment