Pages

Friday, November 16, 2012

Caticlan Airport, pormal nang ipinangalan kay Godofredo P. Ramos

Sa ikalawang pagkakataon ay kinumpirma ng Palasyo ng MalacaƱang na Godofredo P. Ramos Airport ang Caticlan Airport o Boracay Airport.

Sa proklamasyong ginawa ng Palasyo at sa bisa ng Proclamation No. 500 Series of 2012 nitong ika-7 ng Nobyembre, pinagtibay ng Pangulong Benigno S. Aquino III na sa halip ng Caticlan Airport ay ipapangalan na ito sa tinaguriang ama ng probinsiya ng Aklan na si Godofredo P. Ramos.

Maliban sa pangulo, pinatotohanan din ito ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa.

Nakasaad sa Presidential Proclamation na ang dedikasyon ni Ramos at serbisyo nito sa bayan na siyang nakatulong sa pagprogreso ng Aklan, ang rason upang ipangalan dito ang Caticlan Airport.

Pero sa kabila nito, pinalitan ito ng pangalan ng mga namumunong pribadong indibidwal at ginawang Boracay Airport sa layunin, madaling mai-market umano ng paliparan sa mga turista.

Ang proklamasyon ay nilagdaan isang araw bago ang 101 anibersaryo ng kaarawan ni Ramos nitong nagdaang Huwebes.

Kung maalala, una nang iprinoklama ni dating Pangulong Gloria Arroyo na ipangalan kay Ramos ang paliparan sa Caticlan, at ngayon ay sinegundahan din ito ni PNoy. #ecm112012

No comments:

Post a Comment