Mahigit isang linggo na lang at darating na sa Boracay ang Legend
of the Seas ng Royal Caribbean Cruise Ltd.
Kung kaya naman ibayong paghahanda ang pinag-usapan ng mga
taga pamahalaang probinsyal at lokal na pamahalaan ng Malay.
Ayon kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, nasa
ikatlong pagkakataon na ang nasabing pagpupulong na ginanap sa isang resort sa
station 3, Boracay.
Ilan sa mga umano’y pinag-uusapan doon ay ang tungkol sa island
hopping activities para sa humigit-kumulang dalawang libong pasahero ng
nasabing barko.
Sa pagdating kasi ng Legend of the Seas sa ika a-bente
siyete ng buwan at taong kasalukuyan ay inaasahang malakas ang hangin at alon dahil
sa hanging amihan.
Kung kaya’t ang mga bangkang maliliit para sa pag-island
hopping ay hindi muna puwedeng gamitin para sa nasabing aktibidad.
Naisingit din sa nasabing pagpupulong ang tungkol sa
paghahanda tungkol sa tsunami alert.
Subali’t nilinaw naman ni Maquirang na para lamang ito sa
nasabing aktibidad at hindi pa kumprihensibo, kung kaya’t kailangan pa itong
paplantsahin.
Presente sa mga dumalo sa pagpupulong kanina ay ang tatlong
barangay kapitan sa isla, si mismong Boracay Island Administrator Glenn
Sacapano, Philippine Coast Guard at Marina.
No comments:
Post a Comment