Pages

Monday, October 29, 2012

Lupang na turn-over na sa Ati Community sa Boracay, inaangkin parin ng iba

Kung inaakala ng karamihan na wala nang problema ang mga katutubong Ati sa Boracay dahil nagkaroon na ng lupang pagtitirikan ng bahay na ibinigay ng pamahalaang nasyonal, taliwas pa rin ang nangyayari ngayon kaysa sa inaasahan.

Sapagkat hindi pa rin malaya ang mga katutubong gawin ang dapat, gayong may nakabantay naman at pinagbabawalan ang mga ito ng pribadong indibidwal sa paniniwalang ang lupaing ito ay hindi pa pag-aari ng mga Ati.

Kung saan nakakagulat ang sitwasyon doon, dahil sa kabila ng mismong ang National Commission of Indigenous People o NCIP at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ng kapatid ni Pangulong Aquino na si Viel Aquino ang pag-turn-over sa nasabing lupaing ito.

Subalit ngayon ay muli itong inaangkin ng iba.

Sa panayam sa Chieftain ng Ati Community sa Boracay na si Delsa Justo, sinabi nito na hindi pa rin sila makakagalaw ng malaya para magpatayo kahit ng bahay nila sa loob ng compound  na nasasakupan ng lupaing ibinigay sa ng pamahalaan sa kanila dahil may ilang paring indibidwal ang pumipigil sa mga ito.

Kaya nanaisin man umano ng mga ito ngayon na ayusin ang kanilang tirahan doon, hindi nila ito magagawa, kahit pa sa kabila ng pagsunod nila sa alituntunin ng Barangay.

Halos naninimbang na rin maging magsalita di umano ang mga ito kaugnay sa usapin ng lupang ito, dahil halos ang lumalabas na masama ay sila pang mga katutubo, kaya tahimik nalamang silang nagsusumikap para mamuhay ng maayos sa naturang lugar.

Dahil dito, umaasa naman sila na ang pamahalaang nasyonal at ang NCIP ay may magagawa para maging maaayos na ang lahat ng ito, lalo pa at ang pamahalaan naman umano ang may alam pagdating sa legalidad hinggil dito.

Matatandaang, buwan ng Agusto ay pormal nang, ibinigay ng pamahalaang nasyonal ang lupang ito sa Lugutan Area, Sitio Tulubhan Barangay Manoc-manoc dahil sa ideneklara naman itong Forest Land ng DENR na napabilang sa Ancestral Domain kaya pag-aari ito ng estado. #ecm102012


No comments:

Post a Comment