Sa paraan ng resolusyon na ililabas ng Comelec na may
petsang ika-21 ng Setyembre, ang mga kandidato ay may hanggang alas-5 ng hapon lamang
sa pagsumite ng kanilang mga CoC.
Ito ang nilinaw ni Elma Cahilig, Comelec Officer ng
Malay.
Subalit, inihayag naman nito na sakaling marami pa
umanong nakapila sa tanggapan nila na magsusumite ng kanilang kandidatura, bago
pa man mag-alas-5 ng hapon ay ililista nila ang mga pangalan ng naroroon at
tatawagin na lamapng para mai-proseso ang kanilang CoC hanggang sa maubos ang
mga ito sa mismong araw din na iyon.
Kaya hiling nito sa mga kandidato na maghahain ng COC na
mag-file ng maaaga at wag nang hintayin pa ang rush hour.
Samantala, mariing sinabi din ni Cahilig na hanggang a-5
ng Oktubre lang talaga ng sila tatangap ng COC at ito ay naaayon sa itinakdang iskedyul
ng kumisyon, dahil hindi na umano magbibigay pa ng extension ang Comelec.
Aniya pa, para mabigyan ng sapat na oras, asahang kahit lunch
break ay bukas ang kanilang tanggapan para sa mga ito, pero sa hapon at umaga ay ipapatupad nila ang
regular na oras ng trabaho. | ecm102012
No comments:
Post a Comment