Pages

Saturday, September 29, 2012

Pagkakahati ng Aklan sa dalawang distrito bago ang filling of COC, malabo na

Naipadala na ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang kanilang resulosyon ng pasasalamat para sa pag-sponsor ni Senator Ferdinand “Bong-bong” Marcos Jr. sa Senate Bill No. 3860 na “House Bill creating an additional legislative district in the province of Aklan” ayon kay SP Secretary Odon Bandiola.

Kung saan ang resolusyon naman ng SP ay naglalaman ng pasasalamat nila sa pag-isponsor ni Marcos para gawing dalawang distrito ang probinsiyang ito at ang kahilingan ng mga Board Member na madaliin na ang pagpasa sa Senate bill para maihabol bago paman paghahain ng kandidatura ng mga kandidato para sa May 2013 election.

Ito ay sa kabila ng ilang araw nalang ay itinakda na ang pormal na paghahain ng kandidatura na naka-skedyul sa a-uno hanggang ika-5 ng Oktobre ng kasalukuyang taon.

Gayong nitong Sept. 19 lamang naaprubahan ng SP ang resulosyon para kay Marcos.

Sa pagkaka-alam ni Bandiola, hinaharangan din ni Sen. Sergio OsmeƱa III ang panukala ni Marcos dahil di umano ay  kinunekta nito sa isyu ng isang daan at labing isang bilyong pisong anomalya na kinasasangkutan ng isa sa napapabalitang  aspirante para sa pagka-Congressman ng Aklan na si Kasangga Representative Teodorico Haresco.

Maliban dito, sa personal na pagkaka-alam umano ni Bandiola, naka-reces na rin ang Senado ngayon kaya malabong makakahabol pa ang pag-aproba sa Senate Bill No. 3860 bago ang Filling of Candidacy na magsisimula ngayong Lunes, a-uno ng Oktobre. | ecm 092012

No comments:

Post a Comment