Ito ay upang bigyan ng pagkakaton ang mga maliliit na
mamumuhunang Aklanon na may kakayahan sa pagnenegosyo ay lumikha ng mga bagay-bagay
mula sa mga native na materyales para maging kapaki-pakinabang, gayon din para
sa kabuhayan nila.
Bunsod nito, lumahok ang may 28 miyembro ng Small Medium
Enterprise (SMEs) sa Aklan Expo 2012 sa Iloilo City na nag-simula noong ika-22
hanggang 28 ng Oktobre kung saan ibibida ang mga produktong ito.
Maliban dito, suportado din ng lokal na pamahalaan ng
probinsiya ang Aklan SMEs, sapagkat maging ang Sangguniang Panlalawigan ng
Aklan ay may panukala na rin na bigyang prayoridad ang mga produktong gawang
Aklan na gustong pumuwesto sa mga stalls sa loob ng Kalibo International at
Domestic Airport.
Ito ay sa kahilingan na rin ng pamunuan ng paliparaan upang
makilala din ang Aklan hindi lamang sa larangan ng turismo, kundi maging sa mga
tourist-oriented na mga produkto. | ecm 092012
No comments:
Post a Comment