Ito ay dahil karamihan umano sa mga ipinapasok na pasyente
sa ospital na ito ay nasa Charity Ward.
Gayong sa pagpapatakbo umano ng pagamutan dapat aniya ay 20%
dito ay charity at 80% ang nagbabayad.
Pero kabaliktaran ang nangyayari dahil sa ngayon 80% ang nasa
charity at 20% lamang ang nagbabayad na pasyente sa mga serbisyo at pasilidad
ng ospital.
Pinasubalian din nito ang mga ipinukol na isyu at tanong ng
mga miyembro ng SP, kaunay sa di umano’y itinuturo pa sa mga private room ang
mga pasyenteng indigent o kapos palad sa halip na sa Charity ward.
Paliwanag nito, karapatan naman ng mga pasyente na mamili at
hindi nila iyon pinipilt, gayong kapag kinulang umano sa beddings ang ospital
ay pinahihintulutan naman nila na magdala ng sariling mga gamit ang mga
pasyente.
Dahil dito, bago ang kumpirmasyon sa appointment ni Dr.
Terencio, hiniling ni Board Member Rodson Mayor sa kaniya na silipin ang
ganitong sitwasyon at aksiyunan hanggat maaari sa lalong madaling panahon. |
ecm 092012
No comments:
Post a Comment