Ito ang mariing sinabi ni Boracay Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Officer Merza Samillano nang kapanayamin ito kaugnay sa madalas na katanungan ng ilang indibidwal na intresadong bumili at mamuhunan sa isla: “safe pa ba ang bumili ng lupa sa Boracay?”
Bagamat napapangiti ito sa nasabing tanong, inihayag ni Samillano na dapat ikonsidera ng mga nagbibenta at nais bumili ng lupain sa isla ang pagkakaroon muna ng sertipikasyon kung saan ba klasipikado ang lupa.
Anya, mahalaga umano ito sapagkat napaloob sa Presidential Decree (PD) 1064 ng dating Pangulong Gloria Arroyo, klasipikado na ang Boracay sa dalawa, iyon ay ang “Alienable and Disposable Land or Agricultural Land” at “Forest Land for Tourism Purposes”.
Gayon pa man, hindi nito direktang sinabi kung safe o ligtas pa ba ang bumili ng lupain sa Boracay.
Pero malaking tulong at mahalaga talaga umano kung may sertipikasyon ang mga ito kaugnay sa estado ng lupa at klasipikasyon.
Samantala, inihayag din nito na mariin umano ang utos sa kanila ng kalihim ng DENR na dapat ay wala nang development pa sa mga Forest Land sa Boracay lalo na sa mga area na wala pa talagang istraktura.
Paliwanag kasi nito ang Forest Land ay deklaradong nang pag-aari ng pamahalaan kaya dapat ay pinuprotektahan lang ito. | ecm092012
No comments:
Post a Comment