Ito ang inihayag ni DILG provincial director John Ace
Azarcon sa panayam dito kahapon.
Ito ay may kaugnayan sa balak ng LGU Malay na ipasa na lang
sa may-ari ng West Cove ang ibang gastusin sa demolisyon kapag kinulang sa
pondo ang LGU.
Ayon kay Azarcon, sa pagkakatanda nito, may ordinansa sa
Boracay na nakapaloob doon na ang may-ari
ang siyang magtatanggal din sa
mga illegal na istraktura nila sa
isla.
Kaya naniniwala ito na ito rin ang sandigan ng Malay para sa
hakbang na ito kung sakali.
Bagamat aminado ito na mahihirapan aniya ang lokal na
pamahalaan na gawin ito, pwede naman nila itong ipatupad dahil valid naman ito.
Pero, anya, dapat pa rin umano itong idaan sa tamang
proseso. | ecm092012
No comments:
Post a Comment