Partikular nitong tinukoy na may pampublikong palikuran na’ng pwedeng magamit sa Station 2 at Station 3.
Pero inihayag nitong dahil sa ilang problema sa station 1 ay hindi natuloy ang balak na magkaroon din sa nasabing area.
Kung maaalala, ilang konsehal na rin ng Sangguniang Bayan ng Malay na na-dismaya sa sitwasyon ito ay nagpa-abot ng kanilang hinaing ukol sa usapin may ilang buwan na ang nakakalipas, kung bakit wala man lang public comfort room sa Boracay para sa mga turista.
Samantala, nilinaw naman ngayon ni SacapaƱo sadyang inilagay lang talaga ang portalet sa Material Recovery Facilities (MRF) Balabag, dahil wala namang paglalagyan sa pampulikong lugar sa Boracay.
Ito ay dahil dapat ay may koneksiyon aniya ito para sa tamang disposal ng dumi mula sa mga gumagamit.
Aniya, hindi dahil sa tambakan ng basura o MRF nakalagay ang portalet na donasyon para sa isla dalawang taon na ang nakakalipas ay pinabayaan na ito.
Ang ginagawa umano nila ay pinapahiram na lang nila ito minsan kung sino man ang nanghihiram dahil sa movable naman ito, para mapakinabangan din. | ecm092012
No comments:
Post a Comment