Tila wala nang magagawa pa ang lokal na pamahalaan ng Malay sa tubig na lumalabas mula sa drainage papuntang front beach sa station 2.
Sapagkat ayon kay Island Administrator Glenn SacapaƱo normal at ito talaga ang labasan ng tubig gayong hindi naman aniya ito pwedeng isara.
Dahil kapag lumakas ang ulan, dito rin napupunta ang tubig na naiipon na dadaloy din papunta sa beach.
Bagamat sinabi nitong minsan ay naipasara na rin ito ng pamahalaang probinsiya at Department of Tourism, pero umapaw pa rin aniya ang tubig ulan mula sa gitnang bahagi ng isla.
Ganoon pa man, nangyayari lamang umano ito kapag tag-ulan, pero kung tag-init naman ay maaayos ang area na ito.
Ngunit, sinabi nitong nimimentina nila ang naturang area para mapanatiling maayos ang lugar dito. | ecm092012
No comments:
Post a Comment