Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Bakas sa mukha ng bente sais anyos na turista ang
pasasalamat matapos masagip ng lifeguard noong Biyernes ng hapon.
Muntik na kasi itong malunod habang naliligo sa Manoc-manoc
beach, nang tangayin ito ng malalakas na alon.
Napag-alamang ang muntik nang mabiktimang si Ryan Taborada
ng Cebu ay napansin na lamang ng kanyang mga kasamang naliligo na halos nasa
limampung metro na ang layo sa kanila at animo’y nalulunod na.
Kaagad nagpasaklolo ang kapatid nito sa mga lifeguard na
naroon kung kaya’t kaagad din itong nailigtas.
Nang makausap naman ng Yes FM ang nakampanteng si Ryan ay
kanyang sinabi na wala naman itong nainom na tubig-dagat dahil sa nasabing
insidente.
Minarapat din nitong huwag na munang bumalik at maligo sa
dagat, at sa halip ay naupo na lamang sa dalampasigan at minasdan ang malalakas
na alon.
No comments:
Post a Comment