Tanggap na rin umano ng mga miyembro ng Boracay Land Transportation
Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) ang 100 units ng electric tricycle na naunang
ng na-order ng lokal na pamahalaan ng Malay.
Ito ang nabatid mula sa Chairman ng BLTMPC na si Ryan Tubi
sa panayam dito.
Aniya, napag-usapan na ito ng lahat ng miyembro at handa
silang tanggapin ang mga unit na ito maliban pa sa karagdagang isang daan at
pito pang unit mula sa sariling supplier ng kooperatiba.
Maluwag din umanong tinangap ng mga miyembro nila ang
inaasahang pagbabago na ito sa mga sasakyan sa isla.
Bagamat ang mga operator na miyembro ang apektado kapag
lubusan ng palitan ang tradisyunal na tricycle sa isla, nangako naman di umano
ang supplier ng e-trike na sila ang bibili ng mga lumang unit na ito.
Pero nilinaw ni Tubi na hindi umano nila alam kung ano ang
gagawin ng supplier sa mga unit na ito at kung saan nila ito dadalhil.
Kapag nabili na ito ng supplier, hindi na pag-aari ng mga
miyembro ang nasabing tradisyunal na tricycle.
No comments:
Post a Comment