Napapanahon na rin umanong baguhin ang ordinansa sa Boracay
hingil sa pagkakaroon ng sariling Close Circuit Television (CCTV) camera ng piling
establishimiyemento sa isla.
Ito ang inihayag ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre
sa panayam dito.
Ayon dito, may ordinansa na para dito sa isla, pero hindi
umano required ang lahat ng establishimiyemento kundi pili lamang tulad ng pawnshop
at mga bangko.
Kung kaya’t tila nais na rin umano nilang baguhin ito para
pati ang ibang establishimiyemento ay magkaroon na rin ng CCTV para maprotektahan
ang kanilang mga negosyo.
Bagamat aminado ito na magastos ito sa bahagi ng may-ari,
malaki naman umano ang maitutulong ng CCTV camera sa paghuli sa mga masasamang
loob at gayon din sa pagresolba sa mga kreming nangyayari dito.
Inamin din nito na maging ang lokal na pamahalaan ng Malay
ay may plano na rin maglatag ng CCTV camera sa mga strategic area sa isla lalo
na sa front beach.
Subalit sa ngayon ay wala umanong pondo para dito ang LGU,
ngunit may nakausap na umano silang technical people para gumawa at magsuplay
nito.
Magugunitang kamakailan lamang, ilang kaso ng nakawan at
snatching gayun din habulan sa mga suspek ang nagyari, ngunit nakatakas ang mga
ito.
Pero nang silipin ang CCTV camera ng ilang establishimiyemento,
hindi ito klaro at at mistulang hindi rin nahagip ng kamera.
No comments:
Post a Comment