Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Mariing inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Aklan
Director Diosdado Cadena na free o libre ang pagpapa-inspeksiyon sa mga helmet
ng motor na ginagamit ng bawat motorista kasama ang helmet na para sa mga
angkas.
Kaya ayon kay Cadena, walang dapat ikabahala ang mga
motorista dahil wala naman silang babayaran kahit ilang helmet pa ang
ipapa-inspeksiyon ng mga ito.
Aniya, ang gagawin lamang ay dalhin ang helmet sa tanggapan
ng DTI sa Kalibo at magdala ng identification card o ID na issued ng gobyerno o
kaya ay drivers license para sa aplikasyon upang matatakan ng Import Commodity
Clearance o ICC sticker ang helmet kapag pumasa ang helmet sa pagsisiyasat.
Kalimitan umano sa hindi nakakapasa sa mga helmet na
dinadala sa kanilang tanggapan ngayon ay yaong may mga crack o sira na, walang
strap at kapag ang brand ng helmet ay wala sa listahan ng mga lihitimo dealer
at manufacturer na may kwalidad ang prudokto.
Samantala, gayong sa bayan pa ng Kalibo dapat dalhin ang mg
helmet at malalayo ang ibang bayan, sinabi ni Cadena na binibigyan naman nila
ng konsiderasyon o prayoridad ang nagmula sa malalayong bayan, lalo na kapag marami
at nakapila ang nagpapa-inspeksiyon doon.
Nilinaw din nito ngayon na sa kasalukuyan ay wala pa silang
balak na magkaroon ng skedyul dito sa Boracay dahil sa kulang din umano sila sa
tao.
No comments:
Post a Comment