Pages

Thursday, August 09, 2012

L300 Van sa Tabon Port sa Caticlan, nagrereklamo na!


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa nasisikipan na ang ilang grupo ng L300 van sa kanilang kalagayan sa Tabon Port, nagpa-abot ng reklamo ang limang grupo sa tanggapan ng Punong Ehekutibo ng Malay gayon din sa Sangguniang Bayan.

Kaugnay nito, nakatakdang talakayin committee ng transportasyon ng konseho ang usaping ito matapos na malaman na di umano ay tila okupahin na ng iilang grupo lamang ang terminal na para sa mga L300 van doon, samantala ang ibang grupo naman ay tila na-itsapuwera na.

Ang iba pa umano, tulad sa limang nagpa-abot ng reklamo, ay malayo na sa pantalan ang parking area kaya mahirap para sa kanila ang makakuha ng pasahero.

Ayon naman sa tanggapan ng Punong Ehekutibo, sinabi ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa na gumawa na sila ng sulat bilang sagot sa apela ng limang grupo ng L300 van.

Pero nilinaw nito na ang lokal na pamahalaan ay nagbigay naman ng lugar para sa mga Van na ito na may rutang Caticlan-Kalibo Airport vice versa at alangang naman aniyang pagpatung-patungin nila ang mga ito doon sa iisang parking area kung may katulad man sitwasyong nangyayari doon. 

No comments:

Post a Comment