Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng Boracay gaya ng
pagbaha dahil sa kawalan ng Drainage System, itinuturing pa rin na good news ni
Boracay Foundation Incorporated (BFI) President Dionesio “Jony” Salme ang
pagtaas bawat buwan ng Tourist Arrival ngayong taon.
Dahil dito, kampante at nakikinita ni Salme na ngayon taon
ng 2012 malalampasan na ang isang milyong tourist arrival, bagay na ipinapapasalamat
nito.
Sa kaniyang talumpati nitong Sabado sa Quarterly meeting ng
BFI, inihayag ng pangulo ng BFI na simula nitong ay Enero mataas at nalampasan pa ang bilang ng
tourist arrival ngayong taon ng 2012 kung ikukumpara noong taong 2011.
Kung saan naitala nitong Enero na tumaas ng 59% ang tourist
arrivals, 41% noong Pebrero, 61% noong Marso at naging mataas din naman sa mga
sumunod pang buwan ayon dito.
Ganon pa man, sinabi nitong huwag maging kampante sa
ganitong record.
Kaya kailangan pa rin umano talaga ang kontribusyon ng lahat
para ma-sustain ang Boracay at mapreserba ang mayroon at maibalik naman ang mga
nawala na siyang makakahatak pataas sa industriya ng turismo ng isla.
Maliban dito, itinuturing din na good news ni Salme ang pagdalo
ni Atty. Marites Alvares ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa
okasyon na iyon.
Ayon dito, kahit papaano ay masasagot na rin aniya ang mga
katanungan sa minsan nang ipinangako ni TIEZA General Manager Mark Lapid na
unang bahagi ng taong ito ay sisimulan na ang unang pahina ng proyektong drainage.
Matatandaang maliban sa pagbaha, walang sistemang drainage,
nakawan at umaapaw na manhole ng sewer sa Boracay, sa kasalukuyan ay umaapaw din
ang daloy ng turistang pumapasok dito.
o:p>
Samantala, umapela din ang nasabing
Chairman kay Miraflores na kung pwede ay bigyan din ng pondo para maaayos ang
ilang inprastraktura dito sa Boracay mula sa kaniyang Pork Barrel, at gayong ang
kongresista naman ang Chairman ng Committee on Tourism.
No comments:
Post a Comment